Tapos na ang sentensiya mo—hindi naman kasi lahat ng bank heist, nasusunod sa plano. Malaya ka na, handa nang gumawa ng pangalan sa mundo ng Rooklyn. Bukas ang mga kalsada ng Rooklyn para sa matatapang at sa mga handang tahakin ang mas mahirap na landas. Maliban na lang kung isa kang mayamang corpo na kabilang sa 1%, isa lang ang paraan para umangat: kumilala ng tamang tao, dumiskarte, at manatili sa daan. Sa bawat raket na natatapos mo, mas napapalapit ka sa pangarap—magagarang kotse, matatayog na penthouse, at imperyong ikaw mismo ang bumuo. Kwento mo 'to—oras nang kumilos.
I-explore ang mataong kalsada at madidilim na eskinita ng Rooklyn habang sinasaksihan ang kaguluhan mula sa pagmamaneho. I-explore ang criminal underworld, sumabak sa mga biglaang bakbakan ng mga gang, at gumawa ng pangalan sa city na nabubuhay sa kaguluhan.
Tapos na ang sentensiya mo—hindi naman kasi lahat ng bank heist, nasusunod sa plano. Malaya ka na, handa nang gumawa ng pangalan sa mundo ng Rooklyn. Bukas ang mga kalsada ng Rooklyn para sa matatapang at sa mga handang tahakin ang mas mahirap na landas. Maliban na lang kung isa kang mayamang corpo na kabilang sa 1%, isa lang ang paraan para umangat: kumilala ng tamang tao, dumiskarte, at manatili sa daan. Sa bawat raket na natatapos mo, mas napapalapit ka sa pangarap—magagarang kotse, matatayog na penthouse, at imperyong ikaw mismo ang bumuo. Kwento mo 'to—oras nang kumilos.
Tubong Rooklyn at lumaki sa kalsada, si Bobby na ang kasama mo bago pa binago ng Orarra ang mga patakaran. Ayaw n'yang makitang hawak ng Orarra ang city at gusto n'yang maibalik ang mga panahong naghahari ang ganap na kaguluhan. Isa s'yang tropa na hindi ka iiwan. Saan ka man magpunta, sasama siya—walang tanong, walang pag-aalinlangan.
May-ari ng Pink Flamingo, nagmula si Charlie sa panahong mas mahalaga ang tapang kaysa teknolohiya. Dati siyang siga ng nightlife, pero napag-iwanan siya nang sakupin ng makabagong teknolohiya ng Orarra ang lahat. Ngayon, determinado siyang ipaalala sa kung sino ang nauna rito—at ibalik ang dating Rooklyn na walang takot sa batas.
Hindi sanay si C10ud sa mga karaniwang paraan—patago ang specialty niya. Dahil lumaki s'yang kabisado ang hardware at mga high-level na exploit, matagal na n'yang pinapasok ang mga corporate system kapalit ng malaking kita. Pero ibang usapan ang firewall ng Orarra, at kailangan niya ng kasama na kikilos sa totoong mundo. At diyan ka na papasok.
Sa pinakamatitinding kalsada ng Rooklyn natutong magmaneho si Natalie—at hindi siya kailanman pumangalawa. Nang inalis ng Orarra ang kasiyahan, hindi siya bumagal. Binuo niya ang Ghosts, isang squad ng mga racer na nabubuhay sa bilis at hindi sumusunod kaninuman. Para kay Natalie, para sa mabibilis at malaya ang mga kalsada—at narito siya para ibalik ang kaguluhan.
Bumili at mag-customize ng iba't ibang firepower para sa anumang sitwasyon. I-customize ang loadout mo at i-dominate ang mga kalsada ng Rooklyn.
Makipag-team up sa crew mo para magplano at magsagawa ng matatapang na co-op heist. Kailangan ang solid na teamwork, mabilis na diskarte, at swabeng execution para magtagumpay.
Buuin ang crew mo mula sa umpisa. Mag-recruit ng mga solid na member, i-upgrade ang mga safehouse mo, at palawakin ang impluwensiya mo sa buong Rooklyn. Sumabak sa malawakang turf war laban sa mga kalaban na grupo para patunayan kung sino ang tunay na may hawak ng mga kalsada. May dagdag kita sa bawat kanto na maaangkin n'yo; bawas reputasyon naman sa bawat kanto na mawawala sa inyo. Crew mo. Mga patakaran mo. City mo.
Palaguin at palawakin ang mga underground na negosyo mo para makabuo ng sarili mong empire. Gamitin ang pera mo para ma-unlock ang mararangyang penthouse na tanaw ang skyline ng Rooklyn at punuin ang pribadong garahe mo ng makikinis na supercar.
Mangolekta at mag-mod ng iba't ibang sasakyan, mula sa makikinis na supercar hanggang sa armored beast, para sakupin ang mga kalsada ng Rooklyn.
Habulan ng flag, ang matitira ang matibay, bakbakan ng crew... Panalo man o talo, kung hindi ka nagsasaya, may mali sa ginagawa mo. 'Yan ang tatak ng isang tunay na ALLSTAR.
I-accept ang mga cookie para mapanood ang mga YouTube video (kung ire-reject mo, hindi magpe-play ang video). Pwede mong i-manage ang mga YouTube cookie sa pinakababa ng page na ito.
I-accept ang Cookie