Tapos na ang sentensiya mo—hindi naman kasi lahat ng bank heist, swak sa plano. Malaya ka na, handa nang gumawa ng pangalan sa mundo ng Rooklyn. Bukas ang mga kalsada ng Rooklyn para sa matatapang at sa mga handang tahakin ang mas mahirap na landas. Maliban na lang kung isa kang mayamang corpo na kabilang sa 1%, iisa lang ang daan para umangat: kumilala ng tamang tao, dumiskarte, at magpatuloy. Sa bawat raket na natatapos mo, mas napapalapit ka sa pangarap—magagarang kotse, matatayog na penthouse, at imperyong ikaw mismo ang bumuo. Kwento mo ito—oras nang kumilos.
Tahakin ang mataong kalsada at madidilim na eskinita ng Rooklyn habang sinasaksihan ang kaguluhan mula sa pagmamaneho. Tuklasin ang mundo ng krimen, sumabak sa mga biglaang bakbakan ng mga gang, at gumawa ng pangalan sa lungsod na nabubuhay sa kaguluhan.
Tapos na ang sentensiya mo—hindi naman kasi lahat ng bank heist, swak sa plano. Malaya ka na, handa nang gumawa ng pangalan sa mundo ng Rooklyn. Bukas ang mga kalsada ng Rooklyn para sa matatapang at sa mga handang tahakin ang mas mahirap na landas. Maliban na lang kung isa kang mayamang corpo na kabilang sa 1%, iisa lang ang daan para umangat: kumilala ng tamang tao, dumiskarte, at magpatuloy. Sa bawat raket na natatapos mo, mas napapalapit ka sa pangarap—magagarang kotse, matatayog na penthouse, at imperyong ikaw mismo ang bumuo. Kwento mo ito—oras nang kumilos.
Tubong Rooklyn at lumaki sa kalsada, si Bobby na ang kasama mo bago pa binago ni Orarra ang mga patakaran. Ayaw niyang makitang hawak ni Orarra ang lungsod at sabik siyang maibalik ang mga panahong naghahari ang ganap na kaguluhan. Isa siyang kapatid na laging nasa likod mo. Saan ka man magpunta, sasama siya—walang tanong, walang pag-aalinlangan.
May-ari ng Pink Flamingo, nagmula si Charlie sa panahong mas mahalaga ang tapang kaysa teknolohiya. Dati siyang siga ng nightlife, pero napag-iwanan siya nang sakupin ni Orarra ang lahat dahil sa makabagong teknolohiya. Ngayon, determinado siyang ipaalala sa lungsod kung sino ang nauna rito—at ibalik ang magulo pero maalamat na kaluwalhatian ng mga nakaraan.
Hindi sanay si C10ud sa mga karaniwang daan—backdoor ang specialty niya. Dahil lumaki siyang kabisado ang hardware at mga de-kalidad na pamamaraan, matagal na niyang pinapasok ang mga corporate system kapalit ng malaking kita. Pero ibang usapan ang firewall ni Orarra, at kailangan niya ng katuwang na kikilos sa totoong mundo. At diyan ka na papasok.
Sa pinakamatitinding kalsada ng Rooklyn natutong magmaneho si Natalie—at hindi siya kailanman pumangalawa. Nang tapusin ni Orarra ang kasiyahan, hindi siya bumagal. Binuo niya ang Ghosts, isang squad ng mga racer na nabubuhay sa bilis at hindi sumusunod kaninuman. Para kay Natalie, para sa mabibilis at malaya ang mga kalsada—at narito siya para ibalik ang kaguluhan.
Bumili at mag-customize ng iba't ibang firepower para sa anumang sitwasyon. Iakma ang loadout mo at dominahin ang mga kalsada ng Rooklyn.
Makipag-team up sa crew mo para magplano at magsagawa ng matatapang na co-op heist. Kailangan ang solid na teamwork, mabilis na diskarte, at swabeng execution para magtagumpay.
Buuin ang crew mo mula sa umpisa. Mag-recruit ng mga solid na miyembro, i-upgrade ang mga safehouse mo, at palawakin ang impluwensiya mo sa buong Rooklyn. Sumabak sa malawakang turf war laban sa mga karibal na grupo para patunayan kung sino ang tunay na may hawak ng mga kalsada. May dagdag kita sa bawat kanto na maaangkin niyo; bawas respeto naman sa bawat kanto na mawawala sa inyo. Crew mo. Mga patakaran mo. Lungsod mo.
Palaguin at palawakin ang mga underground na negosyo mo para makabuo ng sarili mong imperyo. Gamitin ang yaman mo para ma-unlock ang mararangyang penthouse na tanaw ang skyline ng Rooklyn at punuin ang pribadong garahe mo ng makikinis na supercar.
Mangolekta at mag-mod ng samu't saring sasakyan, mula sa makikinis na supercar hanggang sa armored beast, para angkinin ang mga kalsada ng Rooklyn.
Habulan ng bandera, ang matitira ang matibay, bakbakan ng crew... Panalo man o talo, kung hindi ka nagsasaya, may mali sa ginagawa mo. Iyan ang tatak ng isang tunay na ALLSTAR.
I-accept ang mga cookie para mapanood ang mga video sa YouTube (kung ire-reject mo, hindi magpe-play ang video). Pwede mong i-manage ang mga YouTube cookie sa pinakababa ng page na ito.
I-accept ang Cookie